3.5.08

unang kabanata...

kasalukuyang seting: si kitty daga ngayon ay nakahanap na ng butas na kung saan ay mas naging masaya at mas nakahanap sya ng maraming keso at lahat ng nagpapasaya sa kanyang dagang buhay. ng una nahirapan silang dalawa ng gwapitong si dodeng daga dahil sa biglaan ng kanilang pagkahiwalay ng tirahan na butas. si dodeng daga ay natira sa kanya butas na tupinghole ksama ng kanyang mga makukulit at mapanglait na mga kaibigang daga. ang tanong: anong rason ng pagalis ni kitty daga? aba. d nyo na kelangan malaman kasi bawal un sa tupinghole. mahirap na. ang may alam lang tlga ay ang mga nasa loob ng butas. pero ang importante sa lahat ay masaya na ngayon si kitty daga... dami na rin nyang nagawa sa butas na un na nakatulong sa pagparami ng mga keso. bagamat d pa rin ito napapansin ng mga malalaking daga na may fuschia na buntot.

Akala nyo maganda sa butas na tupinghole? maganda sya dati. ngayon ang mga kaibigan na lang ni dodeng daga ang masayang natitira dun. mashado ng naging mahirap makakuha ng mga keso na nararapat sa mga daga. masisipag itong mga daga. pero d lang pinapansin. ang mga malalaking daga ay tanggap na tanggap na magagaling sila at iniisip lang ang pagparami ng keso at pagpalaki ng butas na to. sa kasalukuyan, kasing liit lang ng hinlilit ang tupinghole, pero pagtagal ay gusto ng mga malalaking daga na palakihin ito at gawing kasing laki ng hinlalaki sa paa.

Itutuloy....

No comments: