3.5.08

nang hindi naibigay kay dodeng daga ang nararapat dahil sa....

ng isang linggo, niregaluhan ng gwapitong dodeng daga si kitty daga ng magandang rodent notes (babasahin ng mga matatalinong daga). Ang rodent notes ay kinapapalooban ng mga tips upang maging magaling na taga buo ng keso at pano matututo upang mas maging matalino daga, all at the same time. at bilang isa sa mga magagandang bagay sa loob ng butas, ppwede mong ipalit ang nagastos mo sa pagbili ng rodent notes, sa katumbas nitong keso.

Ngunit may d kanais nais na pangyayari. hindi nakuha ni dodeng daga ang gusto nyang katumbas na keso. ang rason? dahil sa katotohanang mawawala na rin sya sa tupinghole. bagamat dito kahit na magiibang-butas na si dodeng daga upang tumulong sa pagparami na keso, inaasahan pa rin itong gawin ang lahat ng makakaya nya upang makatulong sa tupinghole. ngunit dahil sa aalis na rin naman sya. hindi na nya makukuha ang dapat na para sa kanya. dahil sa kadahilanang hindi na makakatulong sa butas ang rodent notes na nabili.

nadismaya si dodeng daga sa nangyari. at si kitty daga ay nagwala at nagalit. dahil dun. nawawalan na ng gana si dodeng daga gumawa ng keso dahil sa pagtrato sa kanya... kawawang dodeng daga... hay...

pero biglang naisip ni dodeng daga--- "aba ayos lang un.. tutal napasaya ko naman si kitty daga. sa kanila na ung keso. masaya naman ako kay kitty daga at sa mga kaibigan ko"

ngunit dahil sa ngyari, hanggang ngayon galit parin at may sama ng loob ang magirog..


itutuloy.. ang susunod: ang kahirapan ni iye daga at nelly daga...

No comments: